COVID-19 hotspot areas sa bansa pinababantayan sa mga Cabinet members

0
14

Inatasan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang gabinete ng pamahalaan na pangasiwaan ang COVID-19 response sa National Capital Region (NCR), at iba pang COVID-19 hotspots sa bansa.

Sa resolusyong inilabas ng IATF, inatasan ang bawat cabinet officials na istriktong imonitor ang health system, performance, critical care capacity ng mga lugar sa NCR.

Pati na rin ang pagsunod ng mga lokal na pamahalaan sa surveillance, isolation at treatment protocols.

Sa resolusyon ng IATF, itinalaga ang mga sumusunod na cabinet officials sa mga sumusunod na lugar:

  1. Health Secretary Francisco Duque III, at Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles para sa Quezon City;
  1. Education Sec. Leonor Briones at Tourism Sec. Berandette Romulo Puyat para sa Pasig City;
  1. MMDA chairman Danilo Lim para sa munisipalidad ng Pateros;
  1. Labor Sec. Silvestre Bello III at CHED chairman Prospero De Vera para sa Marikina at Malabon City;
  1. DILG Sec. Eduardo Año at BCDA CEO Vince Dizon para sa Taguig City;
  1. DICT Sec. Gringo Honasan, at PACC Director General Greco Belgica para sa lungsod ng Maynila;
  1. Trade Sec. Ramon Lopez para sa Mandaluyong City;
  1. National Security Adviser Sec. hermogenes Esperon, Jr. Para sa Makati City;
  1. NEDA Usec. Karl Chua para sa San Juan City;
  1. Transportation Sec. Arthur Tugade para sa Muntinlupa City;
  1. Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez, Jr. Para sa Parañaque City;
  1. Public Works and Highways Sec. Mark Villar sa Las Piñas City;
  1. Presidential spokesman Harry Roque para sa Pasay City;
  1. Agriculture Sec. William Dar para sa Caloocan City;
  1. Budget Sec. Wendel Avisado para sa Navotas; at
  1. DOST Sec. Fortunato Dela Peña para sa Valenzuela City.

Habang pangangasiwaan naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang Bulacan, Defense Sec. Delfin Lorenzana ang Cavite, PCOO Sec. Martin Andanar ang Laguna, at Energy Sec. Alfonso Cusi naman ang sa lalawigan ng Rizal.