83-anyos na pasyente pinakamatandang COVID-19 survivor sa bansa

0
26

Nadagdagan pa ang bilang ng mga naka-recover sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa ulat ng Department of Health (DOH), kahapon lamang ay pitong pasyente na ang bumuti ang kondisyon at tuluyang gumaling sa COVID-19.

Kasabay nito, isa namang 83-taong gulang na pasyente ang nakarecover sa virus kung saan, ito na ang pinakamatandang pasyente sa bansa na gumaling mula sa panganib ng COVID-19.