33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

COVID-19 death toll sa Italy pumapalo na sa halos 14,000

- Advertisement -

Pumapalo na sa halos 14,000 ang nasawi sa Italy dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang Italy ay nananatiling nangunguna sa mga bansang nakapagtala ng pinakamaraming nasawi dahil sa nasabing sakit.

Nabatid na 12% ang mortality rate ng Italy kung pagbabasehan ang bilang ng kanilang naitatalang kaso at bilang ng mga nasasawi.

Ang Spain ay nakapagtala na ng mahigit 10,000 patay sa COVID-19.

Ilan pa sa mga bansang nakapagtala ng mataas na death toll ang Amerika – mahigit 6,000; France – mahigit 5,000; China at Iran – mahigit 3,000; United Kingdom – halos 3,000; Netherlands, Germany at Belgium – mahigit 1,000; Switzerland – mahigit 500 at Turkey – halos 400.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -