36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Lahat ng residente ng Malabon ieendorso sa social amelioration ng DSWD —mayor

- Advertisement -

Lahat ng mga residente ng Malabon ay ieendorso bilang beneficiary ng social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ipinabatid ito ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta kaya’t inatasan na niya ang mga opisyal ng 21 barangay sa lungsod na i-update ang kani-kaniyang database ng mga pamilyang nasasakupan nila para mai-endorso ang master list sa DSWD.

Sinabi ni Oreta na wala namang pinaliligtas ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) at bawat pamilya ay dapat mabigyan ng tulong ng gobyerno sa mga pagkakataong ganito na mayroong pandemic.

Ayon kay Oreta, ang DSWD ay naglaan ng halos 44 na slots para sa kanilang lungsod subalit nasa halos 400,000 indibidwal o mahigit 86,000 pamilya mayroon ang Malabon –batay na rin aniya sa Philippine Statistics Authority 2015 record.

Hanggang kahapon, April 2, ang Mlabon City ay nakapagtala ng siyam na kumpirmadong kaso ng COVID-19 –tatlo ang patay at isa ang nakarecover.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -