Business establishments kailangan ng sariling isolation rooms kung may empleyadong magpositibo sa COVID-19 —DTI

0
3

Ire-require na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga business establishments na makaroon ng sariling isolation rooms sakaling may magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang mga empleyado.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, isa na ito sa mahigpit nilang ipatutupad sa mga negosyo na papayagang makapag-operate sa gitna ng community quarantine bunsod ng pandemyang COVID-19.

Posible naman aniyang makipagkasundo ang mga negosyo sa mga katabing establisyimento para sa kanilang isolation facilities.

Samantala, nakapaloob rin sa bagong health protocol ang pagtatalaga ng health officers sa mga opisina para sa safety measures.