28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Indonesia isinailalim na sa state of public health emergency dahil sa COVID-19

- Advertisement -

Isinailalim na ang Indonesia sa state of public health emergency.

Ito ang naging deklarasyon ni Indonesian President Joko Widodo sa harap ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Indonesia.

Kasabay nito, ipinatupad din ni Widodo ang ‘large scale social restrictions’ upang malimitahan ang pag-galaw ng mga residente sa nasabing bansa at nang mabawasan ang panganib ng pagkalat ng virus.

Dahil dito, hindi na maaring makapasok sa teritoryo ng Indonesia ang mga dayuhan maliban na lamang sa mga dayuhan na mayroong permanent residency, diplomats at iba pang mga opisyal na mayroong kaukulang permits.

Batay sa pinaka huling ulat, sumampa na sa 1,528 ang kaso ng COVID-19 sa Indonesia habang naitala naman ang 136 na bilang ng pagkasawi dahil sa nabanggit na virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -