35.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Mga imahe ng Santo sa lahat ng mga simbahan dapat idis-infect—Garin

- Advertisement -

Umapela si Iloilo Rep. Janette Garin sa mga simbahang katolika na idis-infect ang mga imahe ng Santo sa lahat ng mga simbahan.

Ito ay bilang precautionary measures upang mapigilan ang anumang pagkalat ng bacteria sa harap ng dumadaming kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Garin, maging ang mga upuan sa loob ng simbahan ay dapat ding punasan ng disinfectants.

Aniya, nakagawian na kasi ng mga katoliko na punasan ng mga panyo ang imahe ng mga santo bilang bahagi ng kanilang debosyon ngunit dapat isa-alang alang ng simbahang katolika ang kaligtasan ng publiko.

Sa ngayon, nagpatupad na naman ng precautionary measures ang simbahan ng Baclaran kung saan nilagyan na ng tabing ang mga imahe ng santo, at tinakpan na rin ang mga holy water containers para hindi na ito mahawakan pa ng publiko.

Samantala, naglabas na ang Catholic Bishops’ Conference Of The Philippines (CBCP) ng rekumendasyon sa mga simbahan bilang pre-cautionary measures sa patuloy na tumataas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -