Saturday, May 4, 2024

COVID -19 cases sa PH umakyat na sa 12,091

- Advertisement -

Umakyat na sa 12,091 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 215 na bagong impeksiyon nitong nakalipas na 24 oras.

Sa nabanggit na bilang, 144 ang nagdagdag sa National Capital Region (NCR), dalawa sa Region 7, at 69 naman mula sa iba’t ibang rehiyon.

Pumalo na rin sa 2,460 ang bilang ng mga gumaling sa sakit bunsod ng panibagong 123 recoveries.

Samantala, umabot na sa 806 ang bilang ng mga pumanaw dahil sa COVID-19 dahil sa 16 pang pasyente ang iginupo ng naturang sakit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img