COVID-19 cases sa hanay ng PNP nadagdagan pa ng 5

0
26

Umakyat na sa 55 ang kawani ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Bernard Banac, ang limang pinakabagong pulis na nagpositibo ay sina Patient #51 na isang 43 y/o; Patient #52, 36 y/o na parehong mula sa Laguna; Patient #52 ay isang 29 y/o na residente ng Muntinlupa; Patient #53, 29 y/o mula sa Taguig; at Patient #55 na 50 y/o mula sa Bulacan.

Samantala, mahigpit namang minomonitor ng mga otoridad ang 105 pulis na persons under investigation (PUIs) na kinabibilangan ng 20 police commissioned officers, 84 na non-commissioned officers at isang non-uniformed personnel.