COVID-19 cases sa QC umakyat na sa 982

0
18

Kinumpirma ng pamahalaang lungsod ng Quezon City na umakyat na sa 982 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.

Mula sa kabuuang bilang, 812 dito ang kanila nang nakuhang address habang ang iba pa ay vinavalidate parin sa QC Epidemiology and Surveillance Unit.

Samantala, sumampa na rin sa 79 ang naitalang nasawi sa COVID-19 sa lungsod habang 72 naman ang naka-recover na.

Dahil sa laki ng kaso sa lungsod, isinailalim na ng alkalde ang 31 barangay sa extreme enhanced community quarantine (EECQ).