Pilipinas pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia

0
32

Nangunguna ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa tala ng coronavirus dashboard ng Johns Hopkins University, ang kaso ng COVID-19 sa bansa na 5,453 ay mas mataas na kumpara sa Malaysia na may 4,987 kaso.

Samantala, sa bilang naman ng mga namatay, ang nangungunang bansa sa pinakamaraming naitala ang Indonesia na may 459 na nasawi at sumunod ang Pilipinas na may 335.