Mayorya ng mga Pinoy ang naniniwalang mabigat na responsibilidad ng gobyerno na solusyunan ang COVID-19

0
32

Tiwala ang mayorya ng mga Filipino na mabigat na responbilidad ng gobyerno na solusyunan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na tatlo sa bawat limang Filipino o katumbas ng 60 porsyento ng mga Filipino ang naniniwalang mas mabigat na responsibilidad ng gobyerno ang solusyunan ang krisis sa COVID-19.

Gayunman, lumabas din sa naturang survey na 23 porsyento ng  mga Filipino ang nananiwala na mas reponsibilidad naman ng lokal na pamahalaan kumpara sa national government ang  pagtugon sa COVID-19 crisis.

Isinagawa ang naturang survey noong Hulyo a-3 hanggang a-6 sa pamamagitan ng computer-assisted telephone interview sa 1,555 mga Filipinong may edad 18 pataas sa Pilipinas.