Pialago: 7,000 body bags ang available sa MMDA para sa mga nasawi sa COVID-19

0
25

7,000 body bags ang available sa MMDA para sa mga nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ipinabatid ito ni MMDA Spokesperson Celine Pialago matapos ang pulong nila ng mga kinatawan ng doh, dilg, mga punenarya at local government units hinggil sa panganagsiwa sa COVID-19 fatalities.

Sinabi ni Pialago na kailangan lamang magbigay ng formal request sa Department of Health (DOH) ang anumang ospital para sa cadaver bags at maging ng personal protective equipment (PPE)’s.

Sa  DOH  din magpupunta ang mga ospital para mapabilis ang pag iisyu ng death certificate sa mga nasawi sa COVID-19.

Inihayag pa ni Pialago na lahat ng crematorium ay dapat tumanggap ng labi ng COVID-19 saan mang lugar galing ang mga ito.