COVID-19 cases sa bansa pumalo na sa 307,288 —DOH

0
53

Nasa 3,073 ang naitalang panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito na  ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng nakalipas na anim na araw na muling naitala sa Pilipinas ang higit 3,000 panibagong kaso ng COVID-19.

Sinabi ng DOH, pinakamarami pa rin ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na umabot na sa 1,158 na sinundan naman ng Cavite na mayroong 225; Laguna, 203; Rizal, 173; at Batangas na mayroong 169.

Sa ngayon, nasa kabuuang 307,288 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa bilang na ito, nasa 252,665 ang mga nakarekober habang nasa 5,381 ang bilang ng mga nasawi.

Samantala, nasa 49,242 naman ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.