Tiwala ang Malacañang na mas lalo pang dapat na buksan ang ekonomiya ng bansa matapos na mapaulat na tumaas ang bilang ng mga pamilyang nagugutom sa gitna ng pandemya.
Ito ay matapos na lumabas sa Social Weather Stations (SWS) na nasa 7.6 million na mga pamilya ang nagutom o nakaranas ng involuntary hunger sa ikatlong quarter ng 2020.
Sa naturang survey, tumaas ng 30.7% ang bilang ng mga nagugutom simula Hulyo hanggang Setyembre kumpara sa naitalang pinakamataas na antas ng kagutuman noong march 2012 na nasa 23.8 %.
Sinabi ni Roque, ito ang dahilan kaya’t mas dapat pang buksan ang ekonomiya ng bansa upang matulungan ang mga Filipino na magkaroon ng hanap-buhay.