Nadagdagan pa ng halos 5,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), lumobo na sa 169,213 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala ng 4,836 na panibagong kaso.
Ayon sa DOH, mula sa kabuuang bilang ng positibong kaso sa bansa 53,665 dito ang aktibong kaso, 91.5% naman ang active mild cases, 6.2% ang asymptomatic, 0.9% ang severe cases habang nasa 1.3% naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Samantala, nadagdagan rin ng 182 ang gumaling sa sakit dahilan para umakyat ang total recoveries sa 112,862.
Habang sumampa naman sa 2,687 ang death toll sa bansa matapos na makapagtala ng panibagong 7 pagkasawi.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 4,836 ngayong Martes, Agosto 18.
Pumalo na sa kabuuang 169,213 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 53,665 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/Bh3djzFZXZ
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 18, 2020