Tutol si PhilHealth Pres. Dante Gierran na i-privatized ang PhilHealth.
Ayon kay Gierran, posible kasing maling mensahe ang matanggap ng publiko hinggil sa naturang hakbang at lalong mawalan ng tiwala sa ahensiya.
Aniya, kung itutuloy kasing i-privatized ang PhilHealth ay maari rin isipin ng publiko na hindi katiwa-tiwala ang mga opisyal ng pamahalaan at walang kakayahan ang mga ito na pangasiwaan ang mga ahensya ng gobyerno.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Gierran na hindi rin magiging paborable sa mga miyembro ng PhilHealth kung gagawin itong pribadong ahensiya.