Bingbong Crisologo isinailalim na sa inquest proceedings

0
80

Isinailalim na sa inquest proceedingsi si Quezon City Mayoral Candidate Bingbong Crisologo.

Si Crisologo, kasama ang kanyang anak at ilang supporters ay inaresto noong gabi bago ang eleksyon dahil sa di umano’y vote buying.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, kakasuhan nila ng unjust vexation, direct assault at obstruction of justice.

Una rito, sinabi ni Albayalde na ang vote buying ang pinaka malaking hamon sa kanila ngayong eleksyon.

Sinabi ni Albayalde na umabot sa 79 ang naitala nilang insidente ng vote buying kung saan sangkot ang mahigit sa 240 katao.

213 sa mga sangkot ang naaresto samantalang sampu ang nakatakas.