Coronavirus nakapasok na rin sa Hong Kong

Coronavirus nakapasok na rin sa Hong Kong

by Powered by DWIZ
39 views

Nakapasok na rin sa Hong Kong ang coronavirus na nagsimula sa syudad ng Wuhan sa mainland China.

Kinumpirma ng Hong Kong authorities na ang una nilang kaso ng coronavirus ay dumating sakay ng high speed train mula sa mainland at ngayon ay naka quarantine na sa Queen Elizabeth Hospital.

Natuklasan ang unang kaso ng coronavirus sa Hong Kong dahil sa pinahigpit na laboratory surveillance para sa kaso ng pneumonia sa mga biyahero na galing ng mainland China.

Galing ng Muhan ang virus subalit kumalapt na ito sa Beijing, Shanghai, Macau at may mga napaulat na ring kaso sa borders ng China sa South Korea, Thailand at Japan.

0 comment

Related Posts