Balasahan sa PNP kasunod ng pagkakatalaga kay Gamboa ipinatupad

Balasahan sa PNP kasunod ng pagkakatalaga kay Gamboa ipinatupad

by Powered by DWIZ
37 views

Nabalasa ang matataas na posisyon sa Phil National Police kasunod ng pormal na pagkakatalaga kay Police General Archie Francisco Gamboa bilang hepe ng PNP.

Ayon sa PNP Public Information Office, si Police Lt. General Camilo Cascolan na ngayon ang Deputy Chief for Administration, ang pangalawang pinakamataas na posisyon sa PNP samantalang number 3 naman si Police Lt. General Guillermo Eleazar bilang Deputy Chief for Operations .

Magsisilbi rin si Eleazar bilang Officer in Charge ng Office of the chief Directorial Staff.

Ang iba pang nailipat ng posisyon ay sina Brigadier General Rex Dela Rosa bilang Deputy Regional Director for Administration ng Central Luzon, Colonel Bernard Tambaoan, bilang acting Deputy Regional Director for Administration ng Soccsksargen, Colonel Nickson Muksan bilang Deputy Director ng PNP training service, Col. Vincent Calanoga bilang Asst. Chief, Human Rights Affairs Office at Col. Ferlu Silvio bilang Foreign Liaison Division, Directorate for Intelligence.

0 comment

Related Posts