Cavitex, C5 toll libre sa mga magdadala ng relief goods sa Taal

Cavitex, C5 toll libre sa mga magdadala ng relief goods sa Taal

by Powered by DWIZ
31 views

Libre nang makakadaan sa Cavitex at C5 link flyover ang lahat ng mga magdadala ng relief goods para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

Sa isang statement sinabi ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) na dapat lamang mag email sa kanila sa cx (underscore) customer service at cavitex pressway dot com (cx_customerservice@cavitexpressway.com) ang sinumang gustong makakuha ng free pass para sa Cavitex at C5 link flyover.

Ilagay lamang anila sa email ang pangalan ng organisasyon, address, petsa ng pagdaan, plate number, kulay ng sasakyan, destinasyon at pinagmulan at exit group.

Ang mga may kasabay namang galing sa pamahalaan tulad ng PNP, military o Red Cross ay hindi na kailangang humingi ng free pass.

Dagdag ng CIC, ang free passage ay para lamang sa mga cash lanes.

0 comment

Related Posts