Thursday, May 2, 2024

Contact tracing kay Cardinal Tagle ikinasa

- Advertisement -

Kaagad nagsagawa ng contact tracing si Baguio City Mayor Benjamin Magalong para matunton ang mga nakasalamuha ni dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na nagpositibo sa coronavirus.

Sinabi ni Magalong, nagsisilbing contact tracing czar, na inalerto na nila ang mga nilapitan at nakasalamuha ni Tagle.

Tiwala aniya silang makikipag-ugnayan sa kanila ang simbahan para sa development ng sariling contact tracing sa mga nakahalubilo ni Tagle na madali namang matunton dahil kilala sa buong bansa ang dating Manila archbishop.

Wala namang pangamba ang Vatican dahil huling nakaharap ni Tagle ang Santo Papa noong ika-29 ng Agosto pa.

Bumuhos ang dasal para sa agarang paggaling ni Tagle.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img