Saturday, May 4, 2024

COMELEC nanawagan ng tulong para linisin ang listahan ng mga botante sa bansa

- Advertisement -

Nanawagan ang Commission on Elections (COMELEC) sa publiko na tulungan sila sa paglilinis sa listahan ng mga botante sa bansa.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, maaaring ipagbigay alam sa kanilang tanggapan kung may pumanaw na kamag-anak ang isang pamilya para ito ay matanggal na sa listahan.

Aminado si Jimenez na hindi na nila namomonitor pa kung namatay na ba ang isang botante dahil umaasa lang aniya sila sa impormasyon na ibinibigay ng civil registry offices.

Isang napakalaking tulong umano sa komisyon kung maipagbibigay alam sa kanila ng isang pamilya na mayroon silang botanteng pumanaw na.

Umarangkada na kahapon ang registration ng mga botante para sa sangguniang kabataan at barangay elections sa may 2020.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img