Aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang clinical trial ng lagundi bilang supplemental treatment para sa mga indibidwal na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito mismo ang kinumpirma ni DOST Sec. Fortunato Dela Peña kung saan ipinagmalaki nitong aprubado na ng FDA ang clinical trial ng lagundi na inaasahan namang umpisahan na sa susunod na linggo.
Isasagawa ang clinical trial ng lagundi sa Quezon Institue Quarantine Center, Santa Ana Hospital at PNP-NCR Community Quarantine Center na pangungunahan naman ng mga personnel ng PGH.
Sinabi ni Dela Peña na isasagawa ang clinical trial ng lagundi para lamang sa mga mild cases ng COVID-19.