Hindi na kakayanin pa ng Pilipinas na muling magbalik ECQ, MECQ — Duque

0
8

Magdudulot nang pangmatagalang pinsala sa ekonomiya ng bansa kung muling isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

Ito ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, kung saan binigyang diin nito na hindi na kakayanin pa ng Pilipinas na maisailalim sa ECQ o kahit modified ECQ lamang dahil sa pinsalang idudulot nito sa ekonomiya.

Sinabi ni Duque, dapat na palawigin pa ang bilang ng mga quarantine facilities sa bansa upang matugunan ng bansa ang tumataas na bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Matatandaang hindi nakaiwas ang Pilipinas sa economic recession matapos na maitala ang 16.5 % na GDP na dulot pa rin ng COVID-19 pandemic.