Family suicide terrorism nauuso na sa Pilipinas — researcher

    0
    5

    Nauuso na sa Pilipinas ang family suicide terrorism o yung pagkakasangkot ng magkaka-pamilya sa terorismo.

    Ito ayon kay Dr. Rommel Banlaoi, Chairman ng Philippine Institute For Peace, Violence and Terrorism kaugnay ng naganap na kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu noong Lunes, Agosto 24 na ikiasawi ng 15 katao.

    Sinabi ni Banlaoi, kabilang ang family suicide terrorism, female suicide terrorism at juvenile terrorism sa mga umuusbong na bagong mukha ng terorismo.

    Aniya ang mga suicide bombers kasi ay sumasailalim sa dalawang taong training kung saan sinabi nito na target din ng mga teroristang grupo gaya ng ISIS na marecruit ang mga pamilya o magkaka-anak para maisagawa ang kanilang mga pambobomba.

    Paliwanag ni Banlaoi, mas madali kasing ma-brainwash at mahimok na maging suicide bombers ang magkaka-anak.

    Dahil dito sinabi ni Banlaoi na kailangang-kailangan ng Pilipinas ang komprehensibong paraan para malabanan ang terorismo.