Tuesday, May 7, 2024

Mga walang trabaho sa huling quarter ng taon bahagyang tumaas

- Advertisement -

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa huling quarter ng taon.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 5.1 percent ang unemployment rate o 2.2 million indibiduwal na walang trabaho, noong Oktubre.

Kumpara ito sa 5 percent o 2 million sa kaparehong panahon noong isang taon.

Sa kabila nito, nagkaroon ng improvement sa kalidad ng mga trabaho maging sa underemployment rate o bilang ng mga nagtatrabaho subalit naghahanap ng karagdagang pagkakakitaan.

Bahagyang rin bumaba sa 13.3 percent o 5.5 million Filipino sa 3rd quarter ang under-employment rate kumpara sa  15.9 percent o 6.6 million sa kaparehong panahon noong isang taon.

Nakapagtala ng bahagyang pagbaba ng underemployment rate sa mga lugar sa labas ng National Capital Region (NCR) habang malaki ang ibinaba sa Metro Manila sa 4.8 percent mula sa dating 8.6 percent.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img