Binitay na ang isang Chinese national sa Japan makaraang patayin nito ang isang pamilya na may apat na miyembro.
Ayon sa mga otoridad, ang binitay na Chinese ay isa lamang sa tatlong pumatay sa isang pamilya sa Japan noong taong 2003.
Magugunitang una nang binitay noong 2005 ang isa pa sa tatlong suspek sa pamamaslang, habang ang isa pa ay hinatulan ng habang buhay na pagkakakulong.
Samantala, ngayon na lamang ulit nagbigay ng kaparusahang bitay ang bansang Japan sa isang dayuhan sa loob ng 10 taon.
