Lebron James posibleng tumigil muna sa paglalaro dahil sa groin injury

0
16

Posibleng tumigil muna sa paglalaro ang NBA four-time most valuable player (MVP) at Los Angeles Lakers star Lebron James matapos lumala ang natamo nitong groin injury.

Ayon sa ilang miyembro ng organisasyon ng NBA, dapat na tumigil muna si Lebron sa paglalaro para hindi na lumala ang injury sa kanang singit at tuluyan na itong gumaling bago pa ang mga susunod na laban nito sa nba.

Magugunitang natamo ni Lebron ang groin injury matapos nitong makabangga si Patrick Beverly ng Los Angeles Clippers sa unang quarter pa lamang ng kanilang Christmas day game.