Sinisilip na ng Department of Justice (DOJ) ang alegasyong korupsyon laban kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.
Ito ay matapos may magpadala kay Pangulong Rodrigo Duterte ng open letter mula sa hindi nagpakilalang opisyal at empleyado ng BuCor kaugnay sa kwestyonableng pagtatalaga ni Bantag sa mga tauhan sa BuCor at pagdaya sa publiko sa mga nakukumpiskang kontrabando sa Bilibid.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, maaaring na-offend lamang ang ilang empleyado ng naturang ahensya dahil sa naging pahayag ni Bantag na 95% sa empleyado ng BuCor ay korap.