Saturday, May 18, 2024

Isang drug suspect arestado sa QC

- Advertisement -

Tiklo ang tulak ng droga na nakilala lamang sa alyas na ‘Beth’, 40-anyos matapos ang ikinasang buy bust operation ng Quezon City Police District o QCPD Station 4 sa Novaliches, Quezon City.

Ayon sa imbestigador na si Police Cpl. Darwin Cruz, agad na dinakma ng mga otoridad si Beth nang makabili ng mahigit 12,000 halaga ng hinihinalang shabu ang poseur buyer na pulis.

Aabot naman sa 12 gramo ng shabu ang nakuha mula sa suspek na tinatayang nagkakahalaga ng 136,000 pesos.

Kasong paglabag sa Republic Act no. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ng suspek.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -