DPWH nai-turnover na sa PNP Medical Corps ang PICC forum halls

0
20

Nai-turn over na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Philippine National Police (PNP) Medical Corps ang PICC forum halls na magsisilbing health facility sa Pasay City.

Ipinabatid ni DPWH Secretary Mark Villar na mayruong 294 patient cubicles at anim na nurse station ang PICC forum tent.

Uubra namang magamit ng medical workers ang anim na smart houses na itinayo sa labas ng Forum Building.

Mayruon ding I.V stands, wheelchairs at deribrillators sa loob ng naturang health facility na tatayuan din ng mobile pharmacy at mobile X ray machine.

Sinabi ni Villar na pangungunahan ng PNP Medical Corps ang operasyon sa PICC health facility para tugunan ang mga pangangailanga ng mga [asyente na mayruong mildhanggang moderate cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).