Vlade Divac nag-resign bilang GM ng Sacramento Kings

0
17

Nag-resign bilang general manager ng Sacramento Kings si Vlade Divac.

Ayon kay Kings owner Vivek Ranadive, pansamantalang hahalili kay Divac si Joe Dumars na dati ring manlalaro ng koponan.

Bagama’t mahirap para sa team na tanggapin ang naging desisyon ni Divac, ipinaliwanag ni Ranadive na naniniwala siyang ito ay bahagi ng magandang landas na tatahakin nila para sa binubuo nilang winning team na gusto ng kanilang mga tagahanga.