Faeldon umaming nakalaya ang 3 sangkot sa pagpatay sa Chiong sisters

0
46

Tuluyan nang nakalaya ang 3 sa 7 sinentensyahan sa pagpatay sa Chiong sisters na sina Marijoy at Jacqueline Chiong sa Cebu.

Ito ang naging pag-amin ni Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Gen. Nicanor Faeldon matapos itong isalang sa pagdinig ng Senado hinggil sa kuwestiyunableng pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Gayunman, nilinaw naman ni Faeldon na ang release order para kina Josman Aznar, Alberto Canio at Ariel Balansag ay nilagdaan ni Supt. Maria Fe Marquez.

Ang naturang release order kina Aznar, Canio at Balansag ay kagaya ng nabunyag na release order kay dating Caluan Mayor, convicted rapist at murderer na si Antonio Sanchez ngunit naiba lamang ang petsa nito.

Una nang itinanggi ni Faeldon na pumirma siya’t nag-isyu ng anumang release order para kay Sanchez.

Aniya ang nilagdaan lamang niya ay isang memorandum para ituloy ang proseso na maisama si Sanchez sa mga kuwalipikado para sa GCTA, ngunit binawi rin ito ni faeldon matapos pumutok ang kontrobersiya.

“Because that order was recalled by me. (No, I stopped the process of released.) Yes, your honor I signed that document into memorandum of release but that is not the release order because after my office it goes to several other office,” ani Faeldon.