Cebu Pacific kanselado ang 5 domestic flights dahil sa sama ng panahon

0
49

Kanselado ang limang domestic flights ng Cebu Pacific para ngayong araw bunsod ng nararanasang sama ng panahon.

Batay sa abiso ng pamunuan ng Cebu Pacific kabilang sa mga kanselado ang biyaheng Cebu – Siargao at pabalik.

Gayundin ang flight mula Manila patungong Siargao at pabalik.

Tiniyak naman ng Cebu Pacific na kanila nang napadalhan ng abiso ang mga apektadong pasahero habang hinihimok ang iba pa na makipag-ugnayan sa kanilang mga tanggapan at hotlines hinggil sa mga flight changes.