Saturday, May 18, 2024

Cebu Pac itinanggi ang alesgasyong ‘di sila nakikipagtulungan sa contact tracing vs. nCoV

- Advertisement -

Itinanggi ng Cebu Pacific ang alegasyon ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi umano sila nakikipagtulungan na matunton ang mga pasahero sa eroplanong sinakyan ng dalawang nagpositibo sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Ayon kay Cebu Pacific director for corporate communications and corporate affairs Charo Logarta-Lagamon, noon pa man ay nakikipagtulungan na sila sa  mga ahensya ng gobyerno –gaya na lamang ng Department of Health (DOH).

Actually, never naman po na hindi kami nakipagtulungan sa gobyerno, kasama po ang DOH, lalo na na ganito ang sitwasyon,” ani Logarta-lagamon.

Aniya, naibigay na nila ang listahan ng mga contact information ng mga naturang pasahero sa DOH at kanila na rin itong kino-contact.

Samantala, kanselado na ang lahat ng biyahe papunta at magmumula sa Mainland China, Hong Kong at Macau na kung saan ay nasa 232 flights kada linggo.

Nagkansela tayo ng lahat ng flights natin between the Philippines and Mainland China, Hong Kong, and Macau, so, nasa 232 flights kada linggo ang meron tayo, as a result of the direction from the Philippine government,” ani Logarta-lagamon. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -