CBCP may panawagan sa gobyerno para sa OFWs

0
58

Nanawagan ang Catholic Bishops of the Philippines (CBCP) sa gobyerno na huwag maging pahirap sa mga overseas filipino workers (OFW).

Ito ang naging pahayag ng CBCp bilang pagkontra sa pagtataas ng SSS at PhilHealth contributions sa mga papaalis na OFW.

Ayon kay CBCP episcopal commission on migrants and itinerant people head Bishop Ruperto Santos, dapat na bawasan ng gobyerno ang paghihirap ng mga OFW sa pamamagitan ng pagpapatigil sa pagpapatupad ng dagdag-singil sa kontribusyon.

Aniya, dagdag pahirap pa ito sa mga mahihirap na Pilipinong sumusugal na malayo sa kanilang pamilya para makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga bagong hire at papaalis pa lamang na mga OFW ay kinakailangan magbayad ng advance na P960.00 per month na SSS premium habang ang mga nagbabalik-bansang OFW ay dapat na mag advance payment ng tatlong buwan o P2,880.00.