Mga bangkang ipinagkaloob sa mga Pinoy fishermen hindi pa magagamit

0
52

Hindi pa magagamit ng mga mangingisdang Pilipino ang bangkang ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno.

Matatandaang pinagkalooban sila ng bangka, P45,000 na cash assistance at bigas nang dalawin sila ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

Ayon sa mga mangingisda, hindi akma ang makina sa bangkang ibinigay sa kanila.

Nangako naman aniya si Piñol na papalitan ito sa lalong madaling panahon.

Sinabi pa ng mga mangingisda na tanging sa municipal waters lamang maaring pumalaot ang naturang mga bangka at hindi maaring lumayo pa.

Sinabi naman ng BFAR na pansamantala lamang ito habang ginagawa ang bangkang MV Gem-Vir 1.