44 patay sa nahulog na bus sa bangin sa India

0
66

Patay ang 44 katao matapos mahulog ang sinasakyang bus sa bulubunduking bahagi ng Kullu District sa Himachal, Pradesh sa India.

Patungo sa Gadagushaini ang bus na may sakay na halos 70 katao nang mahulog ito sa bangin na may lalim na 500ft.

Marami umano sa mga sugatan ang nasa kritikal na kalagayan dahil karamihan sa kanila ay nakasakay sa tuktok ng bus.