CBCP may hamon kay Pangulong Duterte

0
55

Hinamon ng CBCP o Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyang prayoridad ang mga pilipinong manggagawa sa gitna ng patuloy na pagdami ng Chinese workers sa bansa.

Ayon kay Balanga-Bataan Bishop Ruperto Santos, hindi dapat habambuhay na nakikipag sapalaran ang mga OFWs sa ibang bansa.

Aniya, panahon na upang kumilos ang pamahalaan upang makapag bigay ng sapat at maayos na trabaho para sa mga Pilipino.

Kaugnay nito, ikinadismaya rin ng obispo ang kawalan ng aksyon ng pamahalaan upang solusyunan ang patuloy na pagdami ng mga dayuhang manggagawa sa Pilipinas gayong maraming Pilipino ang walang trabaho.

Dagdag pa ng Obispo, ang patuloy na pagkuha ng mga dayuhang kumpanya sa mga Pilipinong manggagawa ay patunay lamang na masipag ang mga ito.