Friday, May 3, 2024

Pangulong Duterte inatasan ang militar at pulisya na pag-aralan ang proseso ng assassination

- Advertisement -

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar at pulisya na pag aralan ang proseso ng assassination.

Ito ang naging pahayag ng pangulo sa ika-25 taunang pagtitipon ng National Federation of the Motorcycle Clubs of the Philippines.

Ayon sa pangulo, dapat pag-aralan na ng mga otoridad ang pag-assasinate upang magamit ito sa pag tugis sa mga miyembro ng NPA o New People’s Army.

Aniya, sangkot ang naturang rebeldeng grupo sa iba’t-ibang serye ng pagpatay sa ilang bahagi ng bansa kaya’t marapat lang aniya na mas paigtingin pa ng mga otoridad ang hakbang sa pag sugpo sa mga ito.

Matatandaang noong nakaraang buwan lamang nang pormal na tuldukan ng pangulo ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga komunistang grupo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img