Pangulong Duterte muling pinabulaanan na sangkot si Michael Yang sa illegal drug trade

0
54

Muling pinabulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alegasyon ni dating police senior supt. Eduardo Acierto na sangkot si dating presidential economic adviser Michael Yang sa illegal drug trade.

Ito ay kaugnay ng naging pahayag ni Acierto, kung saan tahasan nitong inakusahan si Pangulong Duterte, PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, dating PNP chief Ronald Dela Rosa at special assistant to the pres. Bong Go bilang protektor umano ng drug syndicate ni Michael Yang.

Ayon sa pangulo, walang katotohanan ang mga naging pahayag na ito ni Acierto.

Aniya, malapit at matagal na niyang kakilala si Yang kaya’t alam niya na wala itong kaugnayan sa iligal na droga.

Kasabay nito, itinanggi naman nina Dela Rosa at Go ang mga naging akusasyon ni Acierto.