Duterte nagbiro na ipapa-‘EJK’ ang imbentor ng vape

0
13

Ipapapatay umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakaimbento ng e-cigarettes o vape.

Ito ang kaniyang binitawang biro sa pagsasalita sa opening ng Center for the Elderly sa Taguig kahapon.

Ayon sa pangulo, kaniya nga itong pinahahanap at ipapa ‘extra-judicial killing’.

Nabatid na isang Chinese pharmacist na si Hon Lik ang nakaimbento ng unang nicotine-based electronic cigarette nuong 2003.

Si Lik rin ang unang nakapag-manufacture at nakapagbenta nito sa China at kalaunan ay internationally na.