‘One on one interview’ ni Panelo kay Pang. Duterte ipinagpaliban muna

‘One on one interview’ ni Panelo kay Pang. Duterte ipinagpaliban muna

by Powered by DWIZ
28 views

Hindi natuloy ang part 2 ng  tete-a-tete nina Pangulong Rodrigo Duturte at Presidential spokesman Sal Panelo.

Ang one on one interview ni Panelo sa Pangulo ay isasagawa sana ng 5:00 ng hapon ng Enero 22 (kahapon).

Gayunman, mag a-alas siyete ng gabi nang magpa abiso ang Malakanyang na hindi na matutuloy ang one on one interview dahil may mahalagang dapat harapin ang Pangulo.

Sa halip, inilipat ito sa Enero 28, 5:00 ng hapon.

Nang tanungin ng media si Senador Bong Go kung tungkol saan ang “pressing matter” na dapat  harapin ng Pangulo….tungkol anya ito sa pamilya.

0 comment

Related Posts