Amnesty International umalma sa pahayag ni Panelo kaugnay sa war on drugs

0
50

Umalma ang AI o Amnesty International sa pahayag ni Presidental Spokesman Salvador Panelo na pinupulitika nito ang kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.

Ayon kay Amnesty Philippines Secton Director Butch Olano, walang political agenda ang kanilang grupo dahil isa silang non partisan human rights group kaya’t walang bahid ang ano mang research at pag aaral nila.

Sa halip, hinimok ni Olano si Panelo na gawin ang kaniyang trabaho dahil ang data sa report ng AI ay galing mismo sa PNP.

Siningil din ni Olano si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinasabi nitong ilalabas na report hinggil sa anti drugs war ng gobyerno.