Casino, POGO, at iba pang gaming operations ng PAGCOR sinuspinde dahil sa COVID-19

0
24

Suspendido na ang lahat ng gaming operations ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ito’y para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa anunsyo ng PAGCOR, sakop ng suspensyon ng operasyon ang mga land-based casinos, electronic games, bingo, sports betting, poker at slot machine clubs at iba pang aktibidad sa ilalim ng PAGCOR.

Layon umano nito na mapangalagaan laban sa COVID-19 ang mga empleyado at customer.

Tatagal umano ang suspension kasabay ng implementasyon ng community quarantine sa National Capital Region (NCR).