Empleyado ng Kongreso na nagpositibo sa COVID-19 pumanaw na

0
19

Pumanaw na ang isang empleyado ng mababang kapulungan ng Kongreso na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ni PBA Representative Jericho Nograles matapos bawian ng buhay ang kawani mula sa printing services ng Kamara.

Sinabi ni Nograles na mayroon na umanong dating sakit ang naturang empleyado.

Nag-pabalik balik na umano ito sa ospital nuong nakaraang taon.

Kamakailan din umano ay na-confine ito dahil sa community acquired pneumonia.

Nabatid na wala itong travel history sa anumang bansa.