Ilang opisyal ng pamahaalan nag negatibo sa COVID-19

0
20

Negatibo ang resulta ng ilang opisyal ng gobyerno na nagpa-test sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Una rito ay si Executive Secretary Salvador Medialdea matapos makasalamuha ang isang pasyente na nagpositibo sa COVID-19 nang dumalo ito sa inspection sa North Harbor Link sa Caloocan City.

Gayunman sinabi ni Medialdea, para makasiguro ay tatapusin pa rin niya ang 14-day quarantine.

Negatibo rin si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar at Finance Secretary Carlos Dominguez na kapwa dumalo rin sa inspeksyon sa harbor link.

Samantala, nag negatibo rin ang COVID-19 test ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nagkaroon din ng encounter sa isang pasyente na nagpositibo sa COVID-19.

Ngunit ayon kay Tugade, bagama’t negatibo ay susundin niya ang precautionary measure na itinakda ng Department of Health (DOH).