30 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Kontrata para magpasok ng bigas sa bansa ibinigay sa Vietnam at Thailand

- Advertisement -

Ini-award na ng National Food Authority (NFA) sa Vietnam at Thailand ang kontrata para sa pag-su-supply ng dalawandaan at tatlong libong (203,000) metrikong toneladang bigas para mapataas ang buffer stock.

Sinelyuhan ang kontrata para sa supply ng 25-percent broken long grain white rice sa ilalim ng isang government-to-government agreement.

Ayon kay NFA Assistant Administrator at Committee on G-to-G Procurement Chairperson Maria Mercedes Yacapin, inaasahang darating sa kalagitnaan ng Disyembre ang unang batch ng shipment na aabot sa 50,000 metric tons.

Posible naman anyang dumating bago mag-katapusan ng taon ang huling shipment na aabot sa 153,000 metric tons.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -