Candle lighting para sa Maguindanao massacre victims isinagawa

0
51

Dinaluhan ng ilang grupo ng mga mamahayag ang isinagawang solidarity candle lighting sa puntod ng mga biktima ng Maguindanao massacre, kahapon.

Bukod sa sabay-sabay na pagtitirik ng kandila, nag-alay din ng bulaklak at panalangin ang mga miyembro ng media para sa hustiya ng kanilang mga kasamahang nasawi sa madugong massacre.

Ayon kay Kapisan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) Chapter President Linda ‘Netnet’ Ortiz, ang nasabing aktibidad ay bilang pagkilala sa kanilang pumanaw na kasamahan sa media.

Kasama namn ng grupo na nagsagawa ng solidarity candle lighting ang ilang mga kaanak ng Maguindanao massacre.

(Ulat ni Netnet Ortiz, General Santos Correspondent)